Tuesday, January 1, 2013
FORGIVENESS.
FORGIVENESS...
'bat nga ba tayo nagpapatawad kahit na nasaktan na nila tayo ng sobra? na kahit na nasa atin na ang lahat ng rason para di magpatawad o magalit e,nagagawa pa rin natin silang patawarin.
ako,ang sagot ko... ay dahil gusto mo pa rin silang maging parte ng buhay mo. na mas pipiliin mong magpatawad at kalimutan ag lahat ng sakit na naramdaman mo wag lang sila mawala sa buhay mo. wag lang SIYA mawala. na nagpatawad ka kase naniniwala kang magbabago pa. na may pag-asa pa. :/
minsan kaya ka nagpapatawad kasi may tiwala ka. nagtitiwala kang magiging okay ang lahat. na maisasa'ayos din yon. na gusto mong ipakita sakanya na. "Sinukuan man siya ng lahat,Ikaw hindi. hinding hindi ka susuko sakanya.. na kahit anong tingin niya sa sarili niya matapos man niya gawin yung bagay na yon e,anjan ka pa rin.. naniniwalang may mabuting anghel jan na nananahan sa puso niya.. kailangan lang ngtiyaga para magising yung anghel na yon. :))
tsaka,kaya ka rin nagpapatawad dahil na rin yon sa labis mong pagmamahal... yun at yon ang dahilan non.
kase kung di naman mahalaga at kung hindi mo naman siya ganun kamahal e,papasok lagi sa isip mo na "bakit ko pa siya patatawarin?"
Unconditional Love din ata ang tawag dun? hahaha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment